Martes, Nobyembre 24, 2015

Last...

Hindi lahat ng istorya, may happy ending. Ung iba talaga, masakit. Ganon talaga. Un ung katotohanan. Hindi lahat, aayon sa kagustuhan mo. Hindi lahat, papanig sa side mo..
Hindi lahat ng masasakit na story, eh ibig sabihin, walang kwenta or ginawa para lang masaktan ka. Ung iba, ginawa for a reason. Kagaya na lang ng ibang storya na iniwan ni ganto, ganyan. Iniwan ka, para malaman mo na "Hindi siya ang para sayo", pero pede ding "Hindi siya sa ngayon". Maraming bagay ang ginawa para masaktan ka, pero sabi nga nila, mas lalo kang tumatatag. Mas naitatama mo din ung mga pagkakamali mo na nagawa sa kanya. Experience nga sabi nila. Madami kong natutunan sa nangyari samin ni Noreen. Ung tipong sinabi nia sakin na kulang ako sa lambing, ung wag akong umasa, at ung hanggang kaibigan lang ang mabibigay nia sakin. Tama nga naman, wag kang masyadong aasa, masasaktan ka lang. Salamat dun sa isa kong kaibigan na comment nang comment na maganda siya, Ung tipong nandun pa rin ako sa pagiisip na babalik siya, makikita ko siya, marerealize nia na mahal nia ko, at ung magiging magkaibigan pa din kami. Tama si Zai. Gisingin ko na ung sarili ko sa katotohanan na "Wala na siya at wala nang babalik pa". Oo nga naman, andun siya, masaya sa mga kaibigan nia. Pero ako, andito at iniisip ko siya, at lugmok na lugmok sa kalungkutan dahil sa kanya.. Narealize ko din na masyado kong maraming na-miss na masasayang bagay sa buhay ko kase siya lang ang pinagtuunan ko nang pansin. Hindi ko napansin ung bago kong pamangkin, ung mga tawanan na nandyan ung pinsan ko at mga kaibigan ko, ung mga masasarap na pagkain na binalewala ko kase malungkot ako. Hahaha. Kung minsan talaga, matatawa ka na lang kase ganon ang nangyari. Pero nagpapasalamat ako at nakilala ko siya. Marami kong natutunan sa experience ko na un. Pero hindi porke't nagising na ko sa katotohanan, sisiraan ko na siya at magagalit na ko sakanya. Hindi. Iba 'to. Rerespetuhin ko pa din ung pagkatao nia, kase ayokong makapanakit ng tao. Mas ok na ung ako ung masaktan, wag lang ako ung makapanakit. Masarap magmahal, oo, iba ung feeling, ung aura, ung atmosphere. Cloud9 nga daw, sabi ng mga magulang ko.. Ung tipong nasa alapaap ka, pero pag nawala ung pagmamahal/feeling na ganon, mula sa alapaap din ang bagsak mo.. Kaya sa mga nagmamahal at umaasa ng sobra, wag. Magbigay ka ng oras sa sarili mo, ng panahon, ng saya, ng oras, ng pera, ng pagmamahal. Oo, nakakabulag din ang sobrang pagmamahal, ang sobrang kasiyahan, ang sobrang kilig na pinapadama nia sayo. Ang tanong, totoo ba ung mga pinaparamdam nia sayo? Totoo nga bang mahal ka nia?
Aaminin ko sa sarili ko na-fall "AGAD" ako, at mali un. Dahil wala man lang kaming foundation, un ung friendship sa mga hindi nakakaalam kung ano un.. Sa mga may ka-MU, or minamahal dyan na walang foundation ung relationship nio, tigilan nio muna at bumuo kayo. Dahil sa friendship nio nakilala kung sino at kung ano ba talaga siya.. Dun nio nalalaman kung ano ung gusto ng bawat isa. Mali ako, masyado kong nagmadali kaya ako nasaktan ng ganito.. Pero ngayon, alam ko na. Natuto na ko. Kaya kung uulitin ko man ung pagkakamali kong ito, ako na may kasalanan, at ginusto ko na to.

Sa mga nagbasa, salamat.
Lalo na kay Zai na gandang ganda sa sarili..
Dito na nagtatapos ang kwento ko. Salamat.

P.S. Hindi ko buburahin ung blog ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi, pero basta, hindi ko buburahin. Ingats ^_^ God bless.

Biyernes, Nobyembre 20, 2015

Wala

Wala akong mai-post. Wala akong makuhang inspirasyon para magpost ng mga kwento pa tungkol samin.. Saka sa tuwing iniisip ko siya, lagi lang akong nasasaktan. Kaya gusto ko nang tapusin ung blog na to. Sa may mga tanong, comment lang. Haha. Thanks sa pagbabasa ng blog ko.. Masyadong madrama nga lang. Ingats. Take care. God bless.

Sabado, Nobyembre 14, 2015

Another Long Post

May time na pag wala akong magawa sa dorm sa Makati, nagomegle ako.. may mga nakakachat ako nagkkwentuhan kami tungkol sa lovelife. Madaming heartaches, heartbreaks, then after nun, ako naman magkkwento. Pero dito ko sa blogspot ko sila papapuntahin. Walan nakakakilala sakin. Walang nakakaalam na may blogspot ako sa mga kaklase ko. Marami silang tanong. Kami daw ba. Hindi. M.U. lang. magkamukhang unggoy.. Ewan ko ba. Pero may part sakin na nagsasabing i-delete ko na tong blog na to dahil mas lalo lang akong nasasaktan pag nababasa ko to or tinatanong nila kung pano. May nakachat akong isang Bisexual na lalaki, sabi nia bakit ko daw ba sinukuan, di ko siya sinukuan. Sa totoo lang, ayaw kong sumuko. Gusto kong mag-effort pa. Gusto kong bigyan siya ng oras, gusto ko ng isa pang pagkakaton para maging ok ulit kami.. May time na paasa ang mga babae, May time naman na lalaki. Pero siguro natatapat lang sayo na ganon ung minahal mo.. Madaming reklamo/instances na ganyan nga ang nangyayari. Siguro dahil sa kakaasa, sila naman ung nagpaasa. Kase masakit eh. Pero di ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang maghanap ng maraming babae at paasahin sila. Tutal, marami naman sakanilang paasa at hindi kuntento sa isang lalaking nagmamahal sakanila, hindi kuntento sa effort na binibigay nila.
 Gusto ko ng idelete tong blog ko na to. Pero may part na nagsasabing wag muna. Dahil may pagasang mabasa nia to. Pero mukhang malabo. Sa totoo lang, kung mababasa man nia to, at tatanungin nia ko kung ano to, or bakit ako nagpost ng ganto, hindi ko alam ang isasagot ko. Una sa lahat, hindi ko din alam kung bakit ko ginawa tong blog na to.. Pero siguro sa kadahilanang may pagka-introvert ako at mas gusto kong nagsosolo.. Ayokong makisama sa maraming tao. Pag may lakad sila at aayain nila ko, hindi ako sasama, Magdadahilan lang ako. Naalala ko tuloy ung sinabi mo sakin noon. Sabi ko sayo, "Sanay akong magsolo. Saka loner ako." Pero nagalit ka at sabi mo sakin na, "Simula ngayon, di ka na loner, OK? Andito na ko at sasamahan kita. Nandito na ko lagi para sayo.". Hanggang ngayon, hinahanap ko ung Noreen na dadamay sakin. Ung Noreen na mapagsasabihan ko ng mga sakit na nararanasan ko. Nasan ka na ba? Nasan na ung pangako mo? Nasan na ung pangako mong nandito ka lagi para sakin, ung pangako mong hindi mo ko iiwan? Akala ko ikaw na. Hindi pa pala. Kung nasan ka man ngayon, at kung nababasa mo man to, wag mo kong intindihin. Ok lang ako. Mas gugustuhin kong magsolo at maging loner kesa magmahal ulit, tapos mangangako nanaman, tapos papaasahin nanaman, tapos ano na? Ganto nanaman? May hinanakit ako na ako lang ang nakakaranas at hindi ung nang-iwan sakin? Siguro sa ngayon, tama na muna ung pagmamahal ko sayo.. Ang sakit kase eh. Gano pa kaya katagal to. Gano ko pa katagal dadanasin ung sakit na dinala mo sa damdamin ko? Puro ka pangako. Wala rin naman pala.. Ang hirap ng magtiwala.. Pero malay mo, pagdating ng araw, magaling na to. Ung araw na hindi na kita mahal.

P.S. Sorry kung minahal kita. Sorry kung binigay ko lahat ng pagmamahal na alam ko sayo. Sorry kung pinili kong makasama ka. Sorry kung binigyan kita ng oras ko na dapat sana, pinang-Dota ko na lang. Sorry Noreen..
Sorry. Kung nakilala kita...

Biyernes, Nobyembre 13, 2015

Hangganan

May hangganan talaga lahat. Akala ko kahit pagiging magkaibigan, maibibigay mo. Hindi pala. Umasa nanaman ako. Wala eh, ganon talaga. Haha. Iintayin ko na lang ung araw na hindi na ko papaasahin, ung hindi na ko masasaktang muli. At sa pagkakataong ito, magtatagpo na kami ng babaeng itinadhana para sakin.
Wag kang magalala, maghihilom din ung sakit na nararamdaman kong ito. Masaya ka naman na ngayon, kaya dapat masaya na din ako.. Kahit mukhang mahirap, pero kailangang kayanin ko ung sakit na to. Pero salamat, kahit papano nagkasama tayo at naenjoy kong kinagat mo ko sa braso ko. Ingats ka palagi. Isa't kalahating taon na lang, gagraduate ka na. Salamat sa lahat.
Baboy, este babye..

Lunes, Nobyembre 9, 2015

Pinagtagpo pero hindi itinadhana

Nov. 9, 2015 (8/9pm-12midnight)
Tinext ko siya. Nagreply naman. Naliwanagan ako kase ung pinagpipilitan niang pangloloko ko sakanya, hindi naman pala totoo. Pinangatawanana lang niya dahil naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Nalungkot ako, nagsorry siya. Tapos sabi nia na hanggang kaibigan na lang ang mabibigay nia sakin.. Pinagpilitan niang kaibigan na lang.. Pero siguro nga ganon na lang talaga. Lahat ng bagay may hangganan. Pinagtagpo kami ng panahon pero di kami itinadhana sa isa't isa. Masakit mang isipin pero ganto talaga. Ang magagawa ko na lang ngayon, eh maghintay ng tamang panahon, sa muli naming pagkikita, sa muli naming pagtatagpo, pero sa pagkakataong ito, itinadhana na kami para sa isa't isa. Mahirap, masakit, at di ko kayang pakawalan siya, pero un na ang pinaka-least na magagawa ko. Sabi nga nila, kung mahal mo siya, hayaan mo siya. I-let go mo. Siguro para sakin, ok na ung pakawalan siya. Hihintayin ko ung tamang panahon, ung muli nating pagkikita. Sa mga nakaranas nang magmahal pero kailangang i-let go, masakit di ba? Sobrang sakit dahil nandun ung kagustuhan mong wag na siyang mawala at palaging nandyan sa tabi mo, ung nagaalala, ung nagtetext, tumatawag, at nagmamahal sayo.. Masarap sa pakiramdam ung ganon. Masaya, nakakakilig..
Minsan, nasasaktan na tayo, pero pinipilit pa rin natin. Hindi naman natin piniling masaktan. Pinili lang nating magmahal. Kasama na kase sa pagmamahal ang masaktan.. Nasa tao naman kung pagpipilitan nia. Pero sakin siguro, tama na. Hahayaan ko na siyang maging malaya. Walang communication. Walang facebook, walang text, or tawag. Mahirap, masakit, pero ito ung pinaka tamang magagawa mo kung nais mong maging maligaya ung tao. Minsan kase akala mo maligaya siya, pero ang totoo, hindi naman pala talaga.. Sana nga tama ako, ipapanalangin ko na sa ngayon, pinagtagpo tayo, nagkasama, nagkakwentuhan, at naging masaya, pero hindi itinadhana dahil hindi pa tayo handa.. Pero sa muling pagkikita natin, at mahal pa rin natin ang isa't isa, un na siguro ung pagtatagpo natin para sating tadhana.

P.S. Mahal na mahal pa rin kita Noreen..

-E.P.

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Move On

Ito ung salita na ginagamit kapag wala na ung relasyon nio at wala na talagang pagasa.. (Base sa sarili kong pananaw)
November 7, 2015. 1:50pm, Robinsons Place Malolos. Hinahabol kita, gustong makausap, gustong malinaw lahat. Pero sabi mo sakin "Hindi ka pa ba nakaka-move on?". Nasaktan ako kase ganon sinabi mo. Pano mo ba nasabi sakin un? Minahal mo ba ko? Ang bilis mong naka-usad.. Samantalang ako, nandito pa, inaalala ung mga panahaong magkasama tayo.. Kumain, maglakad, tumambay, magenroll.. Pero bigla mo na lang kinilamutan lahat. Ni paliwanag ko ayaw mong pakinggan. May mga babae bang ganon talaga kabilis makausad? Sabagay, wala naman akong special na ginawa para sayo para di mo ko makalimutan agad agad.. Pero bakit ganto ko? Sobrang nasaktan, walang maiyakan, walang malapitan.. Wala.
Darating din ang tamang panahon.. Panahon para sabihin ko na ako naman ang nakapag-move on.

-E.P.

Biyernes, Nobyembre 6, 2015

Akala

Akala ko sa pagkikita namin ngayon, ngiti nia makikita ko. Hindi pala. Akala ko makakausap siya, hindi pala. Akala ko makakasama ko siya kahit ngayob lang, hindi pala.. Bakit ba galit na galit ka sakin? Hindi ngiti nakita ko sayo. Pagkapoot, galit na galit ka sa ginawa ko. Hindi naman kita niloko. Wala naman akong ginagawang masama sayo para sabihin mong niloko kita. Ang pinakamasakit na sinabi mo ngayon, "Hindi ka pa ba nakaka move-on?" Pano ko makakapag move on? Bakit ikaw ang bilis mong nakausad? Minahal mo ba ko? Ang gara lang na iyan ang sinabi mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag.. Bawal na ba kong magpaliwanag? Hindi naman kita niloko eh. Wala akong niloloko. Mahal kita. Pero ikaw na mismo umayaw. Gusto ko pang magkaroon ng 2nd chance para makabawi ako sa pagkukulang ko, pero wala na palang 2nd chance.. Wala ka na.. May binili pa naman akong blue rose para sayo, pero sino na makikinabang nito ngayon?
Hindi sa panunumbat, pero akala ko makikita mo ung effort ko.. Akala ko mapapawi ung pagod na nararamdaman ko ngayon dahil makikita na kita at makakasama.. Halos isang linggo na kong walang tulog dahil iniisip kita kahit na ang sama sama ng ginawa ko dahil hindi kita malambing ng lambing na inaasahan mo.. Ung tipong pagod sa ojt kase pm-am sched ko. Gusto kong umiyak ng umiyak, pero hindi ko alam kung kanino. Inaasahan kong maiiyakan kita ngayon, inaasahan kong mapapatawad mo ko sa ginawa ko, pero hindi.. Pinaasa ko sarili ko.. Pano na nga ba gagawin ko? Hindi naman kase ganon kadaling umusad eh. Bakit ikaw nagawa mo ng wala pang 1 linggo? Iiyak nanaman ako. Iiyak ng iiyak ng walang magpapatahan sakin.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Nawawalan na ko ng gana. Dapat pala di ko sinobra pagasa ko na tayong 2 na..
Siguro may magagawa ako ngayon.. Iiyak ako.. Iiyak ng iiyak. Kase wala ka na eh. Akala ko tayo nang 2. Hindi pala. Gusto kitang makausap eh. Hinabol kita, hinabol ng hinabol pero ayaw mo na talaga.. Hanggang kelan ung sakit na to? Oo nagomegle ako, pero hindi ibig sabihin na lagi kong ginagawa un. Nung nakilala kita, tinigil ko na. Mahirap bang paniwalaan ung kagaya ko? Sincere naman ako ah? Pero hindi mo rin ung makikita.. Alam kong galit na galit ka sakin..
Kung nababasa mo to, at may natitira ka pang awa sakin, awa na lang at hindi na pagmamahal, kahit konti lang. Hayaan mo naman akong iiyak ko sayo to. Hayaan mo naman akong magpaliwanag. Para malaman mong hindi kita niloko.. Kung wala na talaga, ok lang.. Ako na bahala sa nararamdaman kong ito. Kaya ko naman na siguro sarili ko. Pero hindi ko alam kung gano katagal ko tong kakayanin.. Pero umaasa ko, umaasa kong may natitira ka pang awa sa isang katulad ko....