Sabado, Nobyembre 14, 2015

Another Long Post

May time na pag wala akong magawa sa dorm sa Makati, nagomegle ako.. may mga nakakachat ako nagkkwentuhan kami tungkol sa lovelife. Madaming heartaches, heartbreaks, then after nun, ako naman magkkwento. Pero dito ko sa blogspot ko sila papapuntahin. Walan nakakakilala sakin. Walang nakakaalam na may blogspot ako sa mga kaklase ko. Marami silang tanong. Kami daw ba. Hindi. M.U. lang. magkamukhang unggoy.. Ewan ko ba. Pero may part sakin na nagsasabing i-delete ko na tong blog na to dahil mas lalo lang akong nasasaktan pag nababasa ko to or tinatanong nila kung pano. May nakachat akong isang Bisexual na lalaki, sabi nia bakit ko daw ba sinukuan, di ko siya sinukuan. Sa totoo lang, ayaw kong sumuko. Gusto kong mag-effort pa. Gusto kong bigyan siya ng oras, gusto ko ng isa pang pagkakaton para maging ok ulit kami.. May time na paasa ang mga babae, May time naman na lalaki. Pero siguro natatapat lang sayo na ganon ung minahal mo.. Madaming reklamo/instances na ganyan nga ang nangyayari. Siguro dahil sa kakaasa, sila naman ung nagpaasa. Kase masakit eh. Pero di ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang maghanap ng maraming babae at paasahin sila. Tutal, marami naman sakanilang paasa at hindi kuntento sa isang lalaking nagmamahal sakanila, hindi kuntento sa effort na binibigay nila.
 Gusto ko ng idelete tong blog ko na to. Pero may part na nagsasabing wag muna. Dahil may pagasang mabasa nia to. Pero mukhang malabo. Sa totoo lang, kung mababasa man nia to, at tatanungin nia ko kung ano to, or bakit ako nagpost ng ganto, hindi ko alam ang isasagot ko. Una sa lahat, hindi ko din alam kung bakit ko ginawa tong blog na to.. Pero siguro sa kadahilanang may pagka-introvert ako at mas gusto kong nagsosolo.. Ayokong makisama sa maraming tao. Pag may lakad sila at aayain nila ko, hindi ako sasama, Magdadahilan lang ako. Naalala ko tuloy ung sinabi mo sakin noon. Sabi ko sayo, "Sanay akong magsolo. Saka loner ako." Pero nagalit ka at sabi mo sakin na, "Simula ngayon, di ka na loner, OK? Andito na ko at sasamahan kita. Nandito na ko lagi para sayo.". Hanggang ngayon, hinahanap ko ung Noreen na dadamay sakin. Ung Noreen na mapagsasabihan ko ng mga sakit na nararanasan ko. Nasan ka na ba? Nasan na ung pangako mo? Nasan na ung pangako mong nandito ka lagi para sakin, ung pangako mong hindi mo ko iiwan? Akala ko ikaw na. Hindi pa pala. Kung nasan ka man ngayon, at kung nababasa mo man to, wag mo kong intindihin. Ok lang ako. Mas gugustuhin kong magsolo at maging loner kesa magmahal ulit, tapos mangangako nanaman, tapos papaasahin nanaman, tapos ano na? Ganto nanaman? May hinanakit ako na ako lang ang nakakaranas at hindi ung nang-iwan sakin? Siguro sa ngayon, tama na muna ung pagmamahal ko sayo.. Ang sakit kase eh. Gano pa kaya katagal to. Gano ko pa katagal dadanasin ung sakit na dinala mo sa damdamin ko? Puro ka pangako. Wala rin naman pala.. Ang hirap ng magtiwala.. Pero malay mo, pagdating ng araw, magaling na to. Ung araw na hindi na kita mahal.

P.S. Sorry kung minahal kita. Sorry kung binigay ko lahat ng pagmamahal na alam ko sayo. Sorry kung pinili kong makasama ka. Sorry kung binigyan kita ng oras ko na dapat sana, pinang-Dota ko na lang. Sorry Noreen..
Sorry. Kung nakilala kita...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento