Martes, Nobyembre 24, 2015

Last...

Hindi lahat ng istorya, may happy ending. Ung iba talaga, masakit. Ganon talaga. Un ung katotohanan. Hindi lahat, aayon sa kagustuhan mo. Hindi lahat, papanig sa side mo..
Hindi lahat ng masasakit na story, eh ibig sabihin, walang kwenta or ginawa para lang masaktan ka. Ung iba, ginawa for a reason. Kagaya na lang ng ibang storya na iniwan ni ganto, ganyan. Iniwan ka, para malaman mo na "Hindi siya ang para sayo", pero pede ding "Hindi siya sa ngayon". Maraming bagay ang ginawa para masaktan ka, pero sabi nga nila, mas lalo kang tumatatag. Mas naitatama mo din ung mga pagkakamali mo na nagawa sa kanya. Experience nga sabi nila. Madami kong natutunan sa nangyari samin ni Noreen. Ung tipong sinabi nia sakin na kulang ako sa lambing, ung wag akong umasa, at ung hanggang kaibigan lang ang mabibigay nia sakin. Tama nga naman, wag kang masyadong aasa, masasaktan ka lang. Salamat dun sa isa kong kaibigan na comment nang comment na maganda siya, Ung tipong nandun pa rin ako sa pagiisip na babalik siya, makikita ko siya, marerealize nia na mahal nia ko, at ung magiging magkaibigan pa din kami. Tama si Zai. Gisingin ko na ung sarili ko sa katotohanan na "Wala na siya at wala nang babalik pa". Oo nga naman, andun siya, masaya sa mga kaibigan nia. Pero ako, andito at iniisip ko siya, at lugmok na lugmok sa kalungkutan dahil sa kanya.. Narealize ko din na masyado kong maraming na-miss na masasayang bagay sa buhay ko kase siya lang ang pinagtuunan ko nang pansin. Hindi ko napansin ung bago kong pamangkin, ung mga tawanan na nandyan ung pinsan ko at mga kaibigan ko, ung mga masasarap na pagkain na binalewala ko kase malungkot ako. Hahaha. Kung minsan talaga, matatawa ka na lang kase ganon ang nangyari. Pero nagpapasalamat ako at nakilala ko siya. Marami kong natutunan sa experience ko na un. Pero hindi porke't nagising na ko sa katotohanan, sisiraan ko na siya at magagalit na ko sakanya. Hindi. Iba 'to. Rerespetuhin ko pa din ung pagkatao nia, kase ayokong makapanakit ng tao. Mas ok na ung ako ung masaktan, wag lang ako ung makapanakit. Masarap magmahal, oo, iba ung feeling, ung aura, ung atmosphere. Cloud9 nga daw, sabi ng mga magulang ko.. Ung tipong nasa alapaap ka, pero pag nawala ung pagmamahal/feeling na ganon, mula sa alapaap din ang bagsak mo.. Kaya sa mga nagmamahal at umaasa ng sobra, wag. Magbigay ka ng oras sa sarili mo, ng panahon, ng saya, ng oras, ng pera, ng pagmamahal. Oo, nakakabulag din ang sobrang pagmamahal, ang sobrang kasiyahan, ang sobrang kilig na pinapadama nia sayo. Ang tanong, totoo ba ung mga pinaparamdam nia sayo? Totoo nga bang mahal ka nia?
Aaminin ko sa sarili ko na-fall "AGAD" ako, at mali un. Dahil wala man lang kaming foundation, un ung friendship sa mga hindi nakakaalam kung ano un.. Sa mga may ka-MU, or minamahal dyan na walang foundation ung relationship nio, tigilan nio muna at bumuo kayo. Dahil sa friendship nio nakilala kung sino at kung ano ba talaga siya.. Dun nio nalalaman kung ano ung gusto ng bawat isa. Mali ako, masyado kong nagmadali kaya ako nasaktan ng ganito.. Pero ngayon, alam ko na. Natuto na ko. Kaya kung uulitin ko man ung pagkakamali kong ito, ako na may kasalanan, at ginusto ko na to.

Sa mga nagbasa, salamat.
Lalo na kay Zai na gandang ganda sa sarili..
Dito na nagtatapos ang kwento ko. Salamat.

P.S. Hindi ko buburahin ung blog ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi, pero basta, hindi ko buburahin. Ingats ^_^ God bless.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento