Biyernes, Nobyembre 6, 2015

Pagasa ko bukas

Sana naman, sana sa pagkakataong makausap na kita. Sana magkita na tayo bukas. Sana makausap na kita para makabawi ako. Umaasa ko, nananalanging makita kang muli. Iba kase pag kasama kita. Parang ang gaan ng mundo, ang saya sa pakiramdam, ung tipong wala kang problema. Alam kong tutulungan ako ni Lord. Un ang dinadalangin ko ngayon, dinalangin ko kahapon, at idadalangin ko bukas, ang makita ka. Ganto ko dahil sayo. Ayokong mawala ka, gusto kong bumawi, nawa'y bigyan mo ko ng 2nd chance para mapatunayang mahal kita at seryoso ko sayo, at hindi kita niloko kailanman. Sa ngayon, maghihintay lang ako, pero alam ko at nararamdaman kong tutugunin ng Diyos ang dalangin ko para sayo. Wala eh. Mahal kita, at masaya ko sayo. Sana bukas, di mo ko ipagtulakan, sana bukas bigyan mo ko ng 2nd chance, sana bukas, magbago na ang lahat. At bukas, maging masaya ka sa piling ko. Kung ayaw mo na talaga, hihingi ako ng 2 favor sayo. Ung una, ung magpanggap tayo na merong "tayo". Magpapanggap kang akin at magpapanggap akong sayo. Ung pangalawa, tanggapin mo ung blue rose na binili ko. Di nga lang natural na rose. Gusto ko kase ung magtatagal, mamamatay kasw pag ung totoong rose.. Kaya eto, ung rose na lang na hindi totoo. Haha. Ingat ka, kita kits bukas. Mahal na mahal kita Noreen. Ikaw lang, wala ng iba...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento