Lunes, Nobyembre 9, 2015

Pinagtagpo pero hindi itinadhana

Nov. 9, 2015 (8/9pm-12midnight)
Tinext ko siya. Nagreply naman. Naliwanagan ako kase ung pinagpipilitan niang pangloloko ko sakanya, hindi naman pala totoo. Pinangatawanana lang niya dahil naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Nalungkot ako, nagsorry siya. Tapos sabi nia na hanggang kaibigan na lang ang mabibigay nia sakin.. Pinagpilitan niang kaibigan na lang.. Pero siguro nga ganon na lang talaga. Lahat ng bagay may hangganan. Pinagtagpo kami ng panahon pero di kami itinadhana sa isa't isa. Masakit mang isipin pero ganto talaga. Ang magagawa ko na lang ngayon, eh maghintay ng tamang panahon, sa muli naming pagkikita, sa muli naming pagtatagpo, pero sa pagkakataong ito, itinadhana na kami para sa isa't isa. Mahirap, masakit, at di ko kayang pakawalan siya, pero un na ang pinaka-least na magagawa ko. Sabi nga nila, kung mahal mo siya, hayaan mo siya. I-let go mo. Siguro para sakin, ok na ung pakawalan siya. Hihintayin ko ung tamang panahon, ung muli nating pagkikita. Sa mga nakaranas nang magmahal pero kailangang i-let go, masakit di ba? Sobrang sakit dahil nandun ung kagustuhan mong wag na siyang mawala at palaging nandyan sa tabi mo, ung nagaalala, ung nagtetext, tumatawag, at nagmamahal sayo.. Masarap sa pakiramdam ung ganon. Masaya, nakakakilig..
Minsan, nasasaktan na tayo, pero pinipilit pa rin natin. Hindi naman natin piniling masaktan. Pinili lang nating magmahal. Kasama na kase sa pagmamahal ang masaktan.. Nasa tao naman kung pagpipilitan nia. Pero sakin siguro, tama na. Hahayaan ko na siyang maging malaya. Walang communication. Walang facebook, walang text, or tawag. Mahirap, masakit, pero ito ung pinaka tamang magagawa mo kung nais mong maging maligaya ung tao. Minsan kase akala mo maligaya siya, pero ang totoo, hindi naman pala talaga.. Sana nga tama ako, ipapanalangin ko na sa ngayon, pinagtagpo tayo, nagkasama, nagkakwentuhan, at naging masaya, pero hindi itinadhana dahil hindi pa tayo handa.. Pero sa muling pagkikita natin, at mahal pa rin natin ang isa't isa, un na siguro ung pagtatagpo natin para sating tadhana.

P.S. Mahal na mahal pa rin kita Noreen..

-E.P.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento