Biyernes, Nobyembre 6, 2015

Ako. Siya. Kaming dalawa.

Nakalimutan kong magpakilala, isa nga pala kong BSIT Student, 19 years old, kasalukuyang Intern dito sa Makati, night shifter. 5'11" or 6' ata height ko, di sigurado, basta matangkad. Born-again christian, drummer at guitarist ng church namin. Natutunan kong magomegle nung September, marami akong nakilala at nabasang kwento ng buhay nila, mapa-lovelife man o pamilya. Nakilala ko si Noreen nung October 13, 2015, at unang pagkikita namin nung Oct 15. Kumain kami sa labas ng sabay, at ayon nga, magkatext kami araw-araw. Siya ung tipo ng babaeng masayang kasama, saka nakakagaan ng loob. Masaya ko pag kasama ko siya, lalo na pag sabay kaming kumakain, ang ganda niang pagmasdan, cute na di ko maintindihan, ayaw niang pinipicturan ko sya ng stolen or hindi nakasalamin, ewan ko ba kung bakit. Maganda naman siya para sakin, kahit sa anong anggulo pa siya nakatingin. Napamahal na ko sakanya, gusto ko siyang ligawan pag nakatapos na ko, para may madadala man lang ako sakanya at sa pamilya niya kahit merienda man lang. Ang hinding hindi ko malilimutang karanasan ko sakanya, ay nung kinagat niya ko sa balikat ko. Hanggang ngayon ata may pasa pa. Siya ung babaeng simple lang, di maarte, pwera sa picture, hahaha, saka palatawa lalo na pag ginagaya ko ung boses ni Lola Tinodora ng AlDub. Sarap pakinggan ng tawa niya, hanggang ngayon naalala ko pa rin. Hanggang ngayon, nananalangin pa rin ako na makita ko siya bukas.. Gusto ko na siyang makita, miss na miss na kita Ms. Baby Fats ko. Mahal na mahal kita.. Sana magkita na tayo.. I love you. Kung mababasa mo man to, totoo lahat ng sinasabi ko. Walang halong biro...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento