Huwebes, Nobyembre 5, 2015

Ms. Baby Fats

Bakit nga ganto? Ilang linggo pa lang tayong nagkakakilala pero sobrang fall na ko sayo. Pero ngayon, wala ka na. Miss na kita. Nalaala ko nung unang araw tayong nagkakilala. Sa omegle pa un eh. Sabi mo pa nga nun, mabagal ung net kaya di ka kaagad nakakapagreply. Hanggang sa matapos tayong magchat, tapos hiningi ko number mo. Pero sabi mo ung number ko na lang ung kukunin mo. Kaya binigay ko. Ang una mong text sakin, "Hi. Hahaha". Tandang tanda ko pa. Dun tayo nagkamabutihan, oo, kahit saglit lang, minahal na kita. Nafall ako sayo. Sobra. Pero bakit nga ba tayo nagkahiwalay? Sa totoo lang, ako ung may kasalanan. Masyado kong makasarili. Hindi ko naisip na lambing lang ang kailangan mo. Pero hindi ko naibigay. Ngayon, November 6, 2015, naalala pa rin kita. Habang may internship ako. Hindi ako makakain, hindi ako makatulog. Gara kase eh, ang sakit. Bakit ganto? Tinext kita kagabi, Nov 5, 2015, na sabi ko gusto kitang tawagan para makausap ka ng masinsinan kung ano ba problema. Sabi mo niloko kita. Sabi mo sakin, mag-omegle na lang ako. Nasaktan ako masyado. Gusto kong umiyak, gusto kong umiyak sayo para kahit papano, may magpatahan sakin. Mahal na mahal kita eh. Di ko kayang mawala ka. Gusto ko pa sanang humingi ng 2nd chance na itama lahat ng pagkukulang ko. Gusto kong magpaliwanag sayo. Gusto kong makausap ka, makita ka, at mayakap ka kahit sa huling pagkakataon man lang at maiyak sayo ung gusto kong iiyak. Pero baka huli na. Baka huli na lahat, pero naniniwala akong hindi pa.. Ayoko pang matapos dito lahat ng gusto kong magawa kasama ka. Sobra na kong napamahal sayo. Sobra nang nahulog ung damdamin ko para sayo. Sobra na kitang mahal. Oo, Noreen, mahal na mahal kita. Sobra kitang mahal. Sana hayaan mo pa kong makita ka at makasama, kahit na 1 araw lang, ung mapapahayag ko ung damdamin ko, ung iiiyak ko, ung mga gusto kong sabihin.. Ang hirap kaseng umiyak eh. Walang magpapatahan sakin. Ikaw lang, yayakapin mo pa nga ako eh, kaso wala na. Patawarin mo ko sa nagawa ko. Seryoso ko sayo, hindi kita niloloko, wala akong niloloko, ikaw lang ang minahal ko nung magkakilala tayo at ikaw lang ang minamahal ko. Sobrang mahal na mahal na kita eh, tapos ngayon ka mawawala? Hindi pede. Gagawa akong paraan para maayos to., Para maayos lahat satin. Mahal na mahal kita, Kung darating man ung araw na magkakausap at magkikita tayo, gusto ko lang na hayaan mo kong magpaliwanag at magsorry sayo, kahit wag ka ng magsalita, hayaan mo kong umiyak sayo, kahit un na ung una at huli nating pagkikita.. I love you Noreen.. I love you... Cute mo dito. Haha. Kainis, namimiss na kita.. Pero darating ang araw na magpopost ako ng magkasama tayo sa iisang picture.. ung masaya, walang problema, at masaganang namumuhay ng magkasama.. Hindi ako susuko.. Hangga't hindi mo sinasabing ayaw mo na..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento